DALAWANG Pinoy ang kumpirmadong nasaktan sa gulo sa Israle at Hamas group kung saan marami na ang namatay sa sorpresang pag-atake noong Sabado.
Sa interview, sinabi ni Philippine Embassy in Israel Deputy Chief of Mission Anthony Mandap na isang Joey Pagsulingan ang aksidenteng nabaril habang inililigtas ng Israel Defense Forces sa shelter sa Be’ersheva.
Daplis lang ang tinamo ng biktima at ginagamot ngayon sa ospital.
Isa pang Pinoy na kinilalang si Monica Biboso, ang isinugod sa ospital matapos sunugin ng mga militante ang bahay ng kanyang amo.
Patuloy na iniimbestigahan at minomonitor ng embaha ang kalagayan ng mga Pinoy sa Israel. Pumayag din umano ang biktima na ibigay ang kanilang mga pangalan.
Binisita na ang mga ito ng Philippine Labor Attaché and Welfare Officer sa Israel at binigyan na ng tulong at iba pang pangangailangan.
Hanggang alas-3:40 ng hapon ngayong Oktubre 9, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 20 sa 26 distressed Filipino sa bansa ang nag-rescue at dinala sa ligtas na lugar.