
NADAKIP na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang umano’y suspect sa Molotov explosion sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 parking area noong nakaraang buwan.
Nakadetine na sa Pasay City Jail ang suspect.
Sinabi ng MIAA na nahaharap sa kasong attempted arson at alarm and scandal ang suspect na si Renieldo dela Peña Perez, dating taxi driver.
Inaresto ang suspect noong gabi ng Sept. 28 ng mga tauhan ng Terminal Police Station (TPS) at inilipat sa Philippine National Police noong Sept. 29.
Isang impormante umano ang nag-tip sa TPS tungkol kay Perez na nakita umano sa exit ng Terminal 3 open parking area.
Sa interogasyon, inamin umano ng suspect na siya ang naghagis ng Molotov sa open parking lot gayundin sa kung paano niya ito inassemble.
Tatlong sasakyan ang naapektuhan sa mahinang pagsabog.