TIKOM ang bibig ng Department of Justice (DOJ) usap-usapan hinggil sa umano’y pagkakadakip sa puganteng mambabatas na pakay ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court.
Pag-amin ni Justice Secretary Fredderick Vida, wala pang impormasyon ang departamento hinggil sa umano’y pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Bagamat nananatiling “zero info” sa kumakalat na balitang hawak na ng mga awtoridad ang senador, iginiit ni Vida na wala siyang kinalaman sa anumang operasyon sa puganteng mambabatas na sinasabing sangkot sa madugong giyera kontra droga sa panahon ng panunungkulan bilang hepe ng pambansang pulisya sa ilalim ng administrasyong Duterte.
“Sorry for this. On my part I really have no information or data. I think it’s more of a law enforcement matter this time,” giit ni Vida.
Maging ang National Bureau of Investigation (NBI), ayon sa kalihim wala pang naiparating na anumang impormasyon sa kanya. “Wala pa. Completely, wala. Zero ako,” dagdag pa niya.
Nilinaw naman ni Vida na kung sakaling magkaroon ng pag-aresto, saka pa lamang papasok ang papel ng DOJ sa proseso.
Tumanggi siyang magbigay ng komento kung inaasahang magiging katulad ito ng naging proseso sa pag-aresto noon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“I don’t want to speculate.”
