KUMPYANSA si Justice Secretary Fredderick Vida na nasa Pilipinas pa rin ang gaming tycoon at puganteng si Atong Ang.
Ito ang inihayag ng Kalihim sa isang ambush interview sa Department of Justice (DOJ), kasunod ng mga ulat na nakatakas na ng bansa si Ang.
Kung pagbabatayan aniya ang mga impormasyong nakalap, may mga indikasyon na nananatili pa rin si Ang sa bansa.
“We have member-countries na nagko-cooperate sa atin, and we are exploring all avenues, including the diplomatic community. We’re exploring lahat ng channels,” ani Vida.
Pagtitiyak ng Kalihim, patuloy ang pagtugis ng iba’t ibang law enforcement agencies upang matunton at madakip si Ang na nahaharap sa mahabang talan ng mga kasong kriminal kaugnay ng tinaguriang “missing sabungero.” (JULIET PACOT)
