DESIDIDO ang administrasyon ni United States President Donald Trump ipa-deport ang nasa 80 Pinoy sa Amerika bilang bahagi ng polisiya laban sa mga dayuhang nananatili sa Estados Unidos nang walang legal na dokumento.
Gayunpaman, nilinaw ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na wala sa piitan ang mga Pinoy na target ng US government.
Katunayan aniya, binigyan pa ng pagkakataon ng Federal Immigration Bureau ang mga overstaying Pinoy na ayusin ang mga dokumento para hindi mapalayas sa US.
Sa pag-upo ni Trump bilang pangulo ng Estados Unidos, may ilang Pinoy na rin aniya ang kusang umalis sa Amerika para maiwasan ang nakaambang deportation.
Bukod sa mga overstaying Pinoy, puntirya rin ng US government ang iba pang dayuhan (mula sa Asya at Africa) na ilegal na nananatili sa naturang bansa.
