MATAPOS ibasura ang petisyon ng isa sa mga pangunahing suspek sa likod ng maanomalyang procurement deal para sa protective equipment na kalasag sa pandemya, nagpasya ang Ombudsman na tuluyan si former Budget Undersecretary Christopher Lao
Bukod kay Lao, dawit din sa kasong katiwalian si former Health Secretary Francisco Duque III kaugnay ng tinaguriang Pharmally scandal na naganap taong 2020 sa kasagsagan ng pandemya.
Sa hiwalay na desisyon ng Ombudsman, napatunayan din na may sala sina Duque (na noo’y tumatayong Kalihim ng Department of Health) para sa gross misconduct and conduct prejudicial to the service.
Samantala, ibinasura naman ng Ombudsman ang mga kaso laban kina Ma. Carolina V. Taiño, Myrna C. Cabotaje, Roger Tong-an. Leopoldo Vega, Napoleon Arevalo, Enrique Tayag, Filpina Velasquez, Lorica Rabago, at Crispinita Valdez.
