ISANG panibagong tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa merkado ang inihayag ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB).
Ayon sa DOE-OIMB, asahan ang P2 bawas presyo sa kada litro ng gasolina, habang 50 sentimos naman ang inaasahang tapyas sa krudo na karaniwang gamit ng mga pampublikong transportasyon.
Samantala, pasok din ang kerosene sa ikatlong rollback. Sa pagtataya ng ahensya, maglalaro sa 90 sentimos hanggang piso ang bawas sa presyo ng kerosene.
Kabilang sa nakikitang dahilan sa pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Palestine.
