WALANG dating kay former President Rodrigo Duterte ang di umano’y nakaambang pag-aresto sa kanya ng International Criminal Court sa mga susunod na buwan bunsod ng madugong giyera kontra droga sa ilalim ng anim na taon niyang panunungkulan bilang Pangulo.
Ayon kay dating Executive Secretary Salvador Medialdea, hindi dapat seryosohin ng publiko ang paulit-ulit na paglabas ng isyu sa ICC sa tuwing nakakaladkad ang pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa usapin ng droga.
“It’s as if this administration is seeking retribution. Targeting FPRRD in this kind of scenario will not work. PBBM is facing a huge leadership problem including the alleged use of drugs,” pasaring ni Medialdea kaugnay ng lumabas na dokumentong kumakaladkad sa pangalan ni Marcos sa droga.
“His (Marcos) image might even worsen if they continue doing it this way. They must face this squarely and responsibility to recoup its image,”dagdag pa ng dating opisyal ng Palasyo.
Manhid na rin aniya si Duterte sa tuwing lumulutang ang usaping hinggil sa mga kasong kinakaharap ng dating pangulo sa ICC – “Deadma nya yan.”
Pag-amin naman ni former presidential spokesperson Harry Roque, lantarang nakapasok at nakalabas ng bansa ang mga ICC investigators nang hindi man lang inawat o sinita ng administrasyon.
“The investigators were able to enter the Philippines and we know that the immigration (bureau) is under the executive. The investigators did not hide their identities, that’s why we have a record of when they entered and left (the country),” wika ni Roque.
Katunayan pa aniya, nakapasok ang ICC investigators pagkatapos pagtibayin ng Kamara ang isang resolusyon humihikayat kay Marcos na makipag tulungan sa ICC. Habang nasa Pilipinas, hinarap pa di umano ng mga “high-level government officials” ang mga kinatawan ng ICC.
