Ni ESTONG REYES
SA pagbibitiw ni Senador Sonny Angara na itinalaga bilang Kalihim ng Department Education, isang balasahan ang sumipa sa Senado.
Balik sa dating pwesto bilang Majority Floor Leader si Senador Joseph Victor Ejercito matapos ayunan ng mga kapwa mambabatas ang mosyon ni Senate Majority Floor Leader Francis Tolentino.
Hindi na bago si Ejercito sa hamon ng bilang Deputy Majority Leader lalo pa’t minsan na rin niyang hinawakan ang naturang pwesto sa ilalim ng liderato ng pinatalsik na former Senate President Juan Miguel Zubiri
Samantala, ipinasa naman kay Senador Bong” Go ang chairmanship ng Committee on Youth na dating pinamunuan ng nagbitiw na senador.
