SINABI ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tatanggalin din ang mga floating barriers sakaling ilagay ang mga ito sa Ayungin Shoal.
“If they do that in Ayungin we will also have to remove the barriers,” sabi ni AFP Western Command Chief Alberto Carlos said.
Hindi na rin umano kakailanganin ang utos ng Pangulo sa pagtanggal nito.
Hinimok din ni Carlos ang pagpunta ng mga Pinoy upang mangisda sa Ayungin Shoal at tiniyak na maraming sundalo ang magbabantay doon, kasama na ang AFP, Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, upang imonitor ang sitwasyon.
Tinanggal noong Setyembre 209 ang 300-metrong haba ng floating barrier sa southeast portion ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Ito ay dahil delikado ito sa mga naglalayag doon gayundin sa paglabag sa international law.
Ang Bajo de Masinloc ay nasa gitna ng West Philippine Sea (WPS) sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Inaangkin ng Beijing ang shoal at tinawag na itong “Huangyan Dao.
Binantaan din ng China ang Pilipinas na huwag mag-umpisa ng gulo matapos tanggalin ang floating barrier.
Itinanggi naman ni Defense Secretary Gilbert Teodoro ang alegasyono ng China at sinabing maliwanag na nais kontrolin ng China ang buong South China Sea.”