INAPRUBAHAN ng Senado ang Magna Carta of Filipino seafarers na naglalayong pagandahin pa ang karapatan at kapakanan ng Pinoy seafarers.
Sa boto na 14-0-0, ipinasa ng mga senador ang Senate Bill No. 2221, kung saan nakapailalim ang mas malawak na benepisyo ng seaman sa social welfare benefits, grievance system, at reintegration program.
Sinilip din ang mga kapalpakan sa batas sa bansa gayundin sa tradining accreditation na naglalagay sa panganib sa kanilang trabaho sa global maritime industry.
“I would like to thank my colleagues, especially you, Mr. President, who have been supporting me from day one, and of course, the seafarers. They are always with me, and I always consult them. Of course, the Department of Migrant Workers, the Overseas Workers Welfare Administration, my staff who worked overtime to make these things possible, and to all the seafarers, this is all for you,” sabi ng pangunahing awtor ng batas na si Senador Raffy Tulfo.
Ang pagpasa sa Senado ay kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang urgent ang pagsasabatas noong Setyembre 25.
Alanganin naman ang opposition group sa bersiyon ng panukalang Magna Carta bill sa Kongreso.
Noong Marso, binatikos ng Migrante International ang panukala dahil sa kakulangan ng ilang probisyon matapos ipawalang-bahala ang kapakanan ng mga mangingisda at lokal na manlalayag .
Nangunguna ang Pilipinas sa pinagkukunan ng mga seaman sa buong mundo base sa report noong 2021 ng United Nations Conference on Trade and Development.
Ang Pilipinas ay nakapagpapadala ng hanggang 400,000 seafarers sa iba’t ibang panig ng mundo mula 2017 at naputol lamang ng magkaroon ng pandemya.