SA nagkakaisang boto na 15-0, nagdesisyon ang Korte Suprema En Banc na i-disbar si Atty. Loreanzo ‘Larry Gadon dahil sa viral video clip kung saan paulit-ulit nitong pinagsabihan ng masasamang salita ang journalist na si Raissa Robles.
Nauna nang pinag-aralan ng korte ang video clip at nauna nang sinuspinde si Gadon sa pagiging abogado habang hindi pa ito nasosolusyunan.
Sinabi ng korte na ang video clip ay “indisputably scandalous that it discredits the legal profession.”
Ayon pa sa korte hindi naipatupad ni Gadon ang nararapat na pag-uugali ng isang abogado, sa pribado o pampubpubliko man.
Nauna nang hinatulan ng korte si Gadon ng tatlong buwan na suspensiyon dahil sa pagmumura nito at pagpapakita ng hindi kagandahang asal sa publiko.
Mayroon pa din umanong anim na administrative cases na nakabimbin sa Office of the Bar Confidant laban kay Gadon at apat sa Commission on Bar Discipline ng Integrated Bar of the Philippines.
Sinabi pa ng korte na kahit hindi pa man nakapagdedesiyon, napatunayan na sa dami ng reklamong isinampa laban kay Gadon ay pagpapakita lamang ng hindi mabuti na pagkatao nito.