
MERONG bang legacy na iniwan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang panunungkulan simula 2016 hanggang 2022?
Dapat siguro dating Undersecretary Ben Ranque ng MASADA mabigyan niyo ng kopsa sina Vice President Inday Sara Duterte at Congressman Pulong Duterte ng Davao ang research work ng IBON Foundation.
Ayon sa datus ng IBON Foundation, Senator Robin Padilla, umabot sa 15 porsiyento ang dependency ng ating bansa sa pag angkat ng mga bigas noong 2020 mula sa 5 porsiyento noong 2016. Ang National Government Debt ay pumalo sa 12.7 Trillion Pesos noong 2022 mula sa 5.9 Trillion Pesos noong 2016. Lam niyo ba dating Budget Secretary Romy Neri, ang Debt Service ng bansa natin noong 2022 ay 1.2 Trillion Pesos kumpara sa 790 Billion Pesos noong 2016.
Tama ka Professor Winnie Monsod, mula sa 28 Pesos kada Litro ang bentahan ng gasolina noong 2016, ito ay umabot ng 77 Pesos kada Litro noong 2022. Base sa itinala ng DOE monitoring team noong June 24, 2023 ang presyo ng krudo ay naglalaro ng 54.34 Pesos kada Litro hanggang 57.80 Pesos kada Litro. Mahal pa rin kumpare noong 2016, di ba Alvin Elchico at Doris Bigornia?
Naku Porky Porcalla at Delon Porcalla, bihira rin ako magpa-full tank ng sasakyan hindi tulad nina Jun Burgos, Eric Garafil at dating Congressman Jonathan Dela Cruz.
Bakit Boying Abasola ng Philippine News Agency na maraming tarps si Senator Bong Go nakakalat sa Maharlika Highway mula Quezon hanggang Bicol?Idea mo ba yan Tomas Jarilla ng Albay Press Club o ni Ruel Saldico ng Bicol Press Club? Buti naman nakadalo rin si Ka Tunying Taberna ng DZRH sa Iriga maliban kina Senator Bong Go at Senator Francis Tolentino.
Base pa rin sa IBON Foundation dumami rin ang ating mga kababayan nawalan ng trabaho mula sa 2.4 million noong 2016, ito’y umabot ng 3.7 million noong 2021. Patuloy pa rin ang pag dami ng mga Pinoy walang savings bank account.
Noong 2016, meron 15.7 million Pinoy ang walang savings bank account at naging 18.4 million noong 2021. Teka ano nga ba ang real value ng minimum wage ngayon, Boss Edgar Cabangon ng DWIZ?
Noong 2016 ang real value ng sweldo ng mga nagtatrabaho sa Metro Manila ay 538 pesos. Na-devalue ito noong 2022 at ang halaga ay naging 487 pesos na lang.
Tama nga na dapat itaas ang sweldo at ibaba ang presyo ng mga bilihin kahit bahagya, di ba dating Congressman Teddy Casino at dating Congressman Neri Colmenares?