
SINABI NG Land Transportation Office (LTO) na naibigay na sa Banner Plastic Cards Inc ang kontrata para sa 5.2 milyong plastic cards.
Target na mabigyan ng driver’s license plastic cards ng Land Transportation Office (LTO) ang mga bagong aplikante, ayon kay LTO chief Atty. Hector Villacorta.
Ayon kay Villacorta, pinalawig naman ng ahensya ang validity ng driver’s license na mapapaso simula April 24 hanggang October 31.
Tiniyak din ng opisyal na pagdating ng Oktubre o kapag napaso na ay magiging available na ang plastic cards at walang dapat bayaran ang mga may hawak na papel na lisensya.
Nasa 100,000 plastic cards ang target na mai-deliver ng Banner Plastic Cards Inc. sa katapusan ng Hulyo at isang milyon naman sa August 26.
Dagdag pa ni Villacorta, ang National Capital Region, Calabarzon, at Cebu ang prayoridad na mabigyan ng plastic card dahil sa dami ng mga nag-aaply.