NABULABOG ang trabaho sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno matapos personal na ihayag ni Vice President Sara Duterte ang pagtakbo bilang Pangulo sa 2028 national elections.
“I offer my life, my strength, and my future in the service of our nation. Mga kababayan, ibalik natin ang tapang at malasakit para sa Diyos, sa bayan, at para sa bawat pamilyang Pilipino,” wika ni Duterte sa isang pulong balitaan.
“Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas,” sambit ng bise-presidente.
Pagkatapos basahin ang maikling pahayag, agad na nilisan ni Duterte ang bulwagan.
Wala pang pahayag ang Palasyo sa napipintong pagkandidato ng dating kaalyado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
