
MATAPOS mabisto ang patuloy na kalakalan ng droga ng mga sentensyadong foreign nationals gamit ang cellphone, ipinag-utos ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gregorio Catapang Jr. ang “no cellphone policy” sa lahat ng kulungan sa buong bansa.
Paglilinaw ni Catapang, hindi lang mga preso ang saklaw ng polisiya kundi maging mga dalaw, bisita ng kawanihan, at maging mga BuCor personnel kesehodang opisyal o pangkaraniwang empleyado ng ahensya.
Babala ni Catapang, kukumpiskahin ang anumang cellphone o kahalintulad na device na matutuklasan — bukod pa sa criminal at administrative changes sa mga lalabag sa naturang direktiba.
Batay sa mga nakalap na impormasyon ng pamunuan ng BuCor, patuloy na pinapatakbo ng mga Chinese nationals na nakabilanggo sa New Bilibid Prisons facility sa Muntinlupa City ang sindikato gamit ang cellphone sa mga ilegal na transaksyon, kabilang ang droga, armas at iba pa.