WALA pa rin itinatagalang Kalihim si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Department of Health – pero sa Department of Social Welfare and Development, meron na.
Ayon sa Palasyo, pormal nang nanumpa kay Marcos Jr. si Valenzuela Rep. Rex Gatchalian bilang bagong DSWD Secretary, kapalit ni Erwin Tulfo na bigong makalusot sa pamantayan ng Commission on Appointments.
Sa pahayag ng Presidential Communications Office, naging basehan ng Pangulo para italaga si Gatchalian ang umano’y magandang track record ng kongresista noong panahong alkalde pa lang ng lungsod ng Valenzuela.
Ayon pa sa PCO, sa ilalim ng pamamahala ni Gatchalian napabilang ang Valenzuela sa Top 10 ng Outstanding Local Governance Programs ng Galing Pook Awards taong 2021.
Sa kumpas rin ng noo’y mayor ng nasabing lungsod ipinatupad ang mga programa sa social protection at disaster response na umani ng papuri at parangal.. “Mr. President, thank you for giving me the opportunity to be able to serve the country in a much larger capacity,” ani Gatchalian.