Para kay Vice President Sara Duterte, wala ng dahilan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. manatili pwesto.

Sa isang kilos-protesta sa Quezon City, hayagang nanawagan si Duterte ng pagbibitiw ni Marcos sa pwesto bilang Pangulo lalo pa aniya’t problema lang ang dala ng Pangulo sa bansa.

“Patuloy tayong manawagan ng paglayas ng problema ng ating bayan na ang pangalan ay Bongbong Marcos,” wika ng pangalawang pangulo matapos magdesisyon ang Quezon City Regional Trial Court (RTC) ipagpaliban ang pagbasa ng kinakaharap na kasong grave threat.

“Resign! Umalis ka diyan!,” sigaw ni Duterte

Hayagan din tinawag ng bise-presidente na sinungaling at walang utang na loob si Marcos.

“Sinungaling ka, abusado ka, wala siyang utang na loob sa taumbayan. Wala siyang utang na loob sa lahat ng pumunta ng presinto para iluklok siya sa puwesto. Wala siyang hiya. Ganun talaga kapag adik. Hindi na dumadaan sa realidad ang pag-iisip.”

Panawagan ng bise-presidente sa mga tagasuporta, ituloy ang laban kontra abusado, sangkot sa droga, at korapsyon sa gobyerno.

“Patuloy tayong makipag laban sa mga abusado, sa mga adik, at sa mga korap,” giit ni Duterte.

Para kay Duterte, hindi siya mananahimik hanggat nakikita niyang lubog sa baha ang mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *