KASABAY ng pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo ng Burea of Customs (BOC), binigyang pagkilala ang mga natatanging opisyales at empleyado ng kawanihan.
Tampok ang parangal na iginawad kay BOC-Port of Batangas District Collector Atty. Maria Rhea Gregorio na kinilala sa agresibong kampanya laban sa smuggling at katiwalian sa nasasakupang distrito.
Maliban kay Gregorio, pasok din sa talaan sina BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan at Deputy Port Collector Atty. Lourdes Mangaoang. Pinarangalan din ang Ports of Batangas, Legaspi, Iloilo, Cebu, Tacloban, Surigao, Cagayan De Oro, Zamboanga, Davao, Subic, Clark, Aparri, Limay, Manila, San Fernando, Manila International Container Port, at NAIA.
Personal na pinangunahan ni Customs Commissioner Yogi Felimon Ruiz ang pagbibigay ng parangal para sa mga inilarawan niyang sandigan ng kawanihan.
Kabilang rin sa mga nakibahagi sa pagdiriwang sina Finance Secretary Benjamin Diokno, Albay Rep. Joey Salceda at Deputy Commissioner Donato San Juan.
Sa kanyang talumpati ibinahagi naman ni Ruiz ang record breaking revenue collections, ang pinaigting na kampanya kontra smuggling, reporma at modernisasyon ng ahensya.
Binigyan din ng pagkilala ang Enfoncement and Security Service, Environmental Protection and Compliance Division, Customs Intelligence, Investigation Service at Anti-Illegal Drugs Task Force.