HINDI matatapos ang pamamayagpag ng mga sindikato sa likod ng malawakang agri-smuggling kung may mga kasabwat sa loob mismo ng gobyerno, ayon kay Senador Risa Hontiveros.
Mungkahi ni Hontiveros, habambuhay na pagkakakulong sa loob ng bilangguan para sa mga government officials na mapapatunayan ng walang bahid alinlangan na nagbibigay proteksyon sa mga agri-smugglers.
“Since the law’s passage in 2016, even if there have been many reports of the seizure of smuggled products, there has been no prosecution of individuals, groups, or corporations under the law,” wika ng senador.
Sa ilalim n Senate Bill 2205, partikular na isinusulong ni Hontiveros ang amyenda sa Republic Act 10485 (Anti-Agricultural Smuggling Act) kung saan idaragdag aniya ang mga probisyon ng large-scale smuggling at economic sabotage – mga kasong walang piyansa batay sa umiiral na reglamento ng hudikatura.
Pasok din sa mga target isingit ni Hontiveros ang mga pagbabawal sa mga taong gobyerno na kumuha ng lisensya, permit at clearance kaugnay ng importasyon.
Bukod sa habambuhay na pagkakakulong, target din ng senador pagmultahin ang mga opisyales at kawani ng pamahalaan na mapapatunayan kakuntsaba ng mga sindikatong nandaraya – kung hindi man umiiwas – sa pagbabayad ng wastong buwis at taripang kalakip ng inangkat na produktong agrikultura.
“There has been no prosecution of government officials for facilitating and abetting acts of agricultural smuggling that amount to large-scale economic sabotage. As a result, smuggling activities continue with impunity.”