SA loob ng limang araw, pangangasiwaan ni Vice President Sara Duterte ang gobyerno habang nasa working visit sa mga bansang Germany at Czech Republic si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang pahayag, pinawi rin ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil ,ang agam-agam sa di umano’y pagkawasak ng relasyon nina Marcos at Duterte.
Ayon kay Garafil, hindi nawalan ng tiwala at kumpyansa si Marcos sa Pangalawang Pangulo sa pangangalaga ng bansa sa tuwing luumilisan ang Pangulo para palakasin ang bilateral relations sa mga lider ng bansang binibisita.
Sa datos na nakalap ng Saksi Pinas, lumalabas na may 22 ulit ng bumiyahe si Marcos mula nang maging Pangulo. Sa naturang bilang, limang ulit nang lumipad patungo sa ibang bansa ang Pangulo kasama si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.
Kabilang sa mga bansang tinungo ng mag-asawa ngayong taon ang Vietnam, Australia, Germany at Czech Republic.
