TINATAYA sa halos 1,000 persons deprived of liberty (PDLs) ang irerekomenda ng Department of Justice (DOJ) sa Malacañang para sa posibleng benepisaryo ng presidential grant of pardon at executive clemency.
Sinabi ni DOJ Assistant Secretary at spokesperson Mico Clavano ngayong Biyernes na ang hakbang ay upang matugunan ang pagsisikip sa mga kulungan.
“Ang ginawa po ni Secretary on the President’s birthday and on Christmas, mayroon po tayong binibigay na listahan sa PPA (Parole and Probation Administration); and then eventually, aakyat po ‘yan sa Executive Secretary,” sabi ni Clavano sa Palace press briefing.
“Last year, it was close to one thousand. So, we’re expecting a similar (number) this year,” he said.
Among those qualified for the amnesty program include elderlies and persons with disabilities, ayon pa kay Clavano.
Karagdagang Balita
DEDMA: WARRANT OF ARREST KASADO VS. 4 OVP OFFICIALS
PAHABOL SA NTF-ELCAC: P7.5M ALOKASYON KADA BARANGAY
PASTOR APOLLO QUIBOLOY, DINALA SA OSPITAL – PNP