HABANG abala ang bansa sa tumitinding away pulitika, sumasalisi papasok ng bansa ang hindi bababa sa 13 Chinese nationals na sakay ng dredging ship na pag-aari ng kumpanyang nasa likod ng mga artificial island sa West Philippine Sea.
Ayon kay Senador Risa Hontiveros, nabisto ang mga dayuhang Tsino matapos ang magsagawa ng pre-departure inspection sa MV Harvest 89, habang nakadaong sa pantalan sa Mariveles sa lalawigan ng Bataan.
Para kay Hontiveros, lubhang nakakabahala ang ginagawa ng China – ang magpadala ng espiya, kasabwat ang ilang tiwaling opisyales ng pamahalaan.
“Ang kinakatakot ko po, dear colleagues, mga kasama, ay habang busy ang bansa sa mga kaganapan dito, nasalisihan tayo ng mga kalaban,” wika ng senador sa binigkas na privilege speech.
Nobyembre 26 aniya nang magsumite ng ulat ang Philippine Coast Guard kaugnay ng 13 “undocumented Chinese nationals” na nabistong sakay ng MV Harvest 89 na pag-aari ng China Harbour Engineering Company (CHEC) na una nang inilagay sa blacklist ng Estados Unidos at World Trade Organization bunsod ng militarisasyon sa mga bansa kung saan may mga proyekto ang China.
“Last week, the Philippine Coast Guard reported that 13 undocumented Chinese nationals were found on a dredging vessel. MV Harvest 89, in Mariveles, Bataan on November 26, 2024, around 2:00 in the afternoon. Laking gulat at pagtataka ng PCG na sa isang routine pre-departure inspection para ma-secure ang Masters Declaration of Safe Departure (MDSD), the crew members attempted to deny them entry,” pagpapatuloy ng senador.
Bukod aniya sa mga “undocumented Chinese nationals, nasamsam rin sa MV Harvest 89 ang mga uniporme ng People’s Liberation Army ng China.
“Okay naman na daw ang kanilang documentation. Smelling a rat, our coast guards boarded the vessel where they discovered nine undocumented Chinese crew members, and when they searched deeper, they found four more, bringing the total to 13. Ito po ang ilan sa mga IDs na nahanap nila. Mas nakakapagtaka, may nahanap na PLA uniform on board. Parang yung mga PLA uniform na nahanap sa mga POGO,” aniya pa.
“Itanong po natin… what is the company behind this? The company behind this is the state-run China Harbour Engineering Company that has been blacklisted by the United States in 2020 for its role in the red militarization of the South China Sea, and blacklisted even farther back by the World Trade Organization for its corrupt practices.”
“Subsidiary po ito ng China Communications Construction Company o CCCC na minsan ko nang pinanawagan na i-blacklist. Naghain din ako ng Resolution, PSR No. 989 in April this year, dahil itong CHEC ay involved din sa large-scale sand quarrying activities na nakakasira ng kalikasan,” paliwanag pa ni Hontiveros.
“Kahit saan dako ng mundo tila nagkakalat ng lagim itong CHEC.”
Binanggit din ng nag-iisa at tunay na oposisyon sa senado ang mga isyung kinasasangkutan ng barko at mga pasahero.
“Tingnan po natin itong example ng Alien Employment Permit mula sa mga natagpuan na Chinese doon sa vessel, ang nakalista po na company dito ay China Harbour Engineering Company. Kung may AEC sila, bakit pa kailangan magtago? Bakit pa kailangang wala ang pangalan nila sa manifest, gayong legal naman ang kanilang gawain dito sa bansa natin? Kataka-taka ito,” ayon kay Hontiveros.
Aniya, hindi ito unang nangyari sa Pilipinas.
“Lastly, Mr. President, hindi po ito ang unang pagkakataon na may nahuli ang ating mga Coast Guards na mga dredging vessels na gumagawa ng kabulastugan within our waters. In May of this year, our coast guards also apprehended a vessel pretending to carry a flag of the Republic, when in fact it was registered to Sierra Leone. Its crew members were all Chinese nationals,” ayon kay Hontiveros.
“The presence of undocumented Chinese nationals aboard a vessel engaged in such contentious operations is a chilling revelation. What were they doing there? Who permitted their entry? Were they acting as laborers, or, as some fear, engaging in activities of an intelligence-gathering nature?”
Hirit ni Hontiveros, isang malayang imbestigasyon.
“Task the Department of Justice through the Bureau of Immigration to probe the undocumented individuals found aboard these vessels. Who are they, and what are their objectives? Siyasatin din ang kanilang mga Alien Employment Permits na binigay ng Department of Labor and Employment,” mungkahi ni Hontiveros.
“Direct the Department of Environment and Natural Resources to conduct an exhaustive assessment of the environmental damage caused by these dredging operations and hold responsible parties accountable,” giit niya.
Pinarerebyu din ni Hontiveros ang lahat ng permiso ng mga dayuhang kumpanyang pasok sa pagmimina, reklamasyon at iba pang mapaminsalang aktibidad – gayundin sa banta sa pambansang seguridad.
