
Sina House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman Ron Salo (KABAYAN party-list) at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose “Jerry” Acuzar
Ni Jam Navales
LUMAGDA sa isang memorandum of agreement sina House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman Ron Salo (KABAYAN party-list) at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose “Jerry” Acuzar para sa proyekto na disente at abot-kayang pabahay sa hanay ng mga Filipino migrant workers, public health workers at iba pang volunteer groups.
Ayon kay Salo, ang naturang housing project na maaaring makuha ng mga overseas Filipino worker (OFWs), medical personnel at iba pa ay bahagi ng top priority program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing Program (4PH Program).
“The 4PH Program, a top priority of President Ferdinand R. Marcos, Jr. and DSHUD, is a beacon of hope for millions of Filipinos seeking decent and affordable housing. It aims to construct one million housing units annually for the next six years, responding to the housing requirements of 6.5 million Filipinos,” pahayag pa ng House panel chairman.
“The signing of a Memorandum of Agreement (MOA) solidifies our commitment to the 4PH Program. Through our MOA, we aim to deliver affordable housing to our marginalized constituents who need it the most,” dugtong ng kongresista.
Paliwanag ni Salo, alinsunod na kanilang mga adhikain sa KABAYAN partylist, ang nais nilang mabenepisyuhan sa housing project na ito, sa pakikipagtulungan sa DSHUD ay ang mga OFWs, kabilang na ang seafarers, public health workers, midwives, at mga kasapi ng volunteer groups.
“These groups, though often overlooked, will be at the forefront of our housing initiatives. Malapit po sa puso ng ating Pangulong Marcos ang ating mga kababayang poorest of the poor. Sila ay higit na nangangailangan ng tulong mula sa ating gobyerno upang makaahon sa kahirapan kaya ginagawa po natin ang lahat para sila ay matulungan,” pagbibigay-diin pa ng KABAYAN party-list solon.
“After months of close coordination with DHSUD, I am glad that we have finally found a common time to ink the MOA,” masayang sabi ni Salo kung saan isa siya sa principal authors ng batas na lumilikha sa DHSUD.