KASAMA si Philippine Special Envoy to China Teodoro “Teddyboy” Locsin, Jr. sa barko ng umeskort sa pinakahuling resupply mission sa BRP Sierra Madre noong Miyerkoles.
Inobserbahan ni Locsin, sakay ng BRP Cabra, at kumukuha ng larawan sa Chinese maritime militia habang hinaharangan ang barko ng Pilipinas patungong BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.
Hindi naman sinabi ni Locsin kung ano ang naobserbahan nito nang kapanayamin.
Sinabi ng Philippine Coast Guard na naging matagumpay ang misyon kundi lamang sa grupo ng mga Chinese Coast Guard na humaharang at nangha-harass sa grupo ng mga Filipino.
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong Agosto si Locsin bilang special envoy to the People’s Republic of China for Special Concerns.