PARA sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), hindi sapat ang pagtuturo ng mga sangkot sa flood control scandal para ikonsidera bilang state witness.
Ginawa ng komisyon ang pahayag kasunod ng paglutang ng pangalan ni dating House Speaker Martin Romualdez na umano’y kinokonsidera para maging state witness kaugnay ng flood control scandal.
Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, bagamat pasok sa kapangyarihan ng komisyon ang magbigay rekomendasyon, hindi pa pinag-uusapan ang pagsusumite ng mga pwedeng isama sa talaan ng mga state witness
Paglilinaw ni ni Hosaka, masyado pang maaga para sa naturang usapin lalo pa aniya’y kasisimula pa lang ng imbestigasyon ng komisyon.
Hindi rin aniya basta-basta ang pagpapasya ng ICI, kasabay ng giit na kailangan pag-aralan ng komisyon ang mga ebidensya at testimonya. Bahagi rin aniya sa kinikonsidera ang probisyon kung saan nakasaad na para maging state witness, dapat “not the most guilty.”
