
Ni Romeo Allan Butuyan II
KASUNOD ng 6.8 magnitude earthquake na yumanig sa katimugang bahagi ng Mindanao kung saan nakapagtala ng mga nawasak na imprastraktura, nanawagan ang isang ranking House leader na busisiin ang umiiral na pamantayan sa mga pagawaing bayan ng pamahalaan.
Sa kanyang inihaing House Resolution 1476, target ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo silipin ang prosesong sinusunod sa mga pampublikong imprastraktura – partikular sa katatagan ng mga proyektong ginastusan ng gobyerno.
Ayon kay Tulfo, hindi angkop na isakripisyo ang katatagan ng mga imprastraktura laban sa mapaminsalang lindol.
“After receiving orders from Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez to assess the situation and to give assistance in the affected areas, the earthquake inflicted damage on some substandard infrastructure, revealing vulnerabilities in construction and highlighting the urgent need for improved resilience measures,” paglalahad ng ranking House official na agad na nagtungo sa General City at Sarangani province para alamin ang kalagayan ng mga apektadong residente at ang pinsalang dulot ng lindol.
“Upon inspection of infrastructure facilities after the quake, sustainable damages were also found in several roads, bridges, ports, and other public works, including a partially submerged fishport in the Municipality of Glan, Sarangani,” dugtong pa niya.
Subalit ang mas ikinalulungkot ni Tulfo ay ang ulat hinggil sa mga namatay at nasugatan matapos mabagsakan ng mga nabitak na bahagi ng ilang istruktura at maging yaong mga natabunan ng gumuhong gusali.
Kaya naman sa HR 1476 na kasamang binalangkas nina ACT-CIS partylist Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, Benguet Cong. Eric Yap at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo, iginiit ng punong may-akda ang kahalagahang matukoy kung nasusunod ang kaukulang pamantayan sa building construction at public works.
“Whereas, such sustainable damages and their corresponding fatal repercussions to the public give rise to questions on the standard of public infrastructure in the country and the regulation of the same by relevant government agencies,” saad pa sa naturang House resolution.
Samantala, kinalampag din ni Tulfo ang mga kinauukulan ahensya para sa “repair, replacement or development works” sa mga nasirang public infrastructure sa lalong madaling panahon at tiyakin ang kalidad ng imprastraktura.