Ni Estong Reyes

NANAWAGAN ang isang mambabatas sa buong makinarya ng pamahalaan na bigyan ng matibay na diplomatic protection ang lahat ng overseas Filipino workers laban sa anumang banta ng seguridad at iba pang pang-aabuso.

Ipinanawagan ito ni Senador Alan Peter Cayetano sa gitna ng hostage-taking sa Red Sea na nadamay ang  17 Filipino seafarers na nagdudulot ng panganib na kinakaharap ng Overseas Filipino Worker (OFW).

“Sa pagnanais na suportahan ang kanilang pamilya at tulungan ang ating ekonomiya, matapang nilang hinaharap ang mga ‘di-inaasahan at delikadong sitwasyon sa ibang bansa,” ayon kay Cayetano.

Dahil dito, patuloy na itinutulak ni Cayetano ang pagtugon sa pangangailangan upang magkaroon ng matibay na diplomatic protection, masusing pre-departure orientation, at mahusay na reintegration program.

“Our overseas Filipino workers are our modern-day heroes. They sacrifice so much to provide for their families and contribute to our national economy. We owe it to them to ensure that they are protected and well-cared for,” ayon kay Cayetano.

Iminungkahi din ni Cayetano ang paglikha ng   24/7 hotline at pagpapalakas ng labor attaches na napatunayan ang kahalagahan sa maganap ang hostage-taking sa Red Sea.

“Importante rin ang pagtuturo sa OFWs hinggil sa   posibleng panganib na kaakibat ng kanilang pangingibang-bansa,” giit ng senador.

Alinsunod sa layunin na palakasin ang kakayahan ng OFWs na magkaroon ng informed decisions upang maprotektahan ang sarili laban sa pang-aabuso, isinusulong din ni  Cayetano na pagtataguyod ng sapat na orientation seminars at pagbuo sa isang database ng blacklisted employer.

“Importante rin ang isang komprehensibong reintegration program, tulad ng   pagbibigay ng financial assistance, trabaho, at psychological counseling sa   nagbabalik-bansang OFWs,” ayon sa senador.

Aniya, ang mga OFW, na madalas bansagang “unsung heroes” dahil sa kanilang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa, ang laging unang apektado tuwing may   pandaigdigang problema at sagupaan.

Iginiit ng senador na matapos ang nagdaang insidente, nararapat lang na harapin at solusyunan ng gobyerno ang mga hamon na kinakaharap ng OFWs.

By ..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *