Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
HINDI na dapat maulit ang madilim na bahagi ng kasaysayan, ayon sa mga miyembro ng Kamara matapos ang pormal na paghahain ng panukalang batas na nagtutulak ng parusang kamatayan para sa mga mapapatunayan sangkot sa extrajudicial killings (EJK).
Sa inihaing House Bill 10986, target nina Manila Rep. Bienvenido Abante, Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez Abante, Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Abang Lingkod Rep. Stephen Joseph Paduano, at Antipolo City Rep. Romeo Acop ihanay sa kategorya ng “heinous crime” ang extrajudicial killings.
Sa ilalim ng panukalang Anti-Extrajudicial Killing Act, iginiit ng mga may-akda na hindi sapat ang parusang “reclusion perpetua” o habambuhay na pagkakakulong para sa “state-sponsored” na patayan.
Bukod sa parusang kamatayan, bahagi rin ng panukalang halaw sa rekomendasyon ng quad committee ng Kamara ang bayad-pinsala sa mga naulila ng mga napaslang.
Sa gayung paraan anila, maibabalik ang kumpiyansa ng publiko sa mga nagpapatupad ng batas.
