
PARA sa unang bahagi ng taon, nakapagtala ng kabuuang 85,692 kumpirmadong kaso ng dengue sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ayon sa Department of Health (DOH).
Base sa datos ng DOH, mas mababa ng 19% ang bilang ng mga pasyente ng nakamamatay sa sakit bunsod ng kagat ng lamok kumpara sa 106,517 na naitala sa unang bahagi ng nakalipas na taon.
Gayunpaman, aminado ang departamento sa anila’y patuloy na pagdami sa bilang ng lingguhang kaso mula buwan ng Abril ng kasalukuyang taon.
“It is expected because of the rainy season. The agency is also continuously monitoring areas that are prone to flooding and were hit by the recent typhoon,” saad sa isang bahagi ng pahayag ng naturang ahensya.
Mula Hunyo 25 hanggang Hunyo 8, nakapagtala ang DOH ng 9,916 kaso ng dengue – na anila’y 7% na mas mataas klumpara sa sinundang linggo.
Pinakamataas ang bilang ng mga kontaminado sa dengue mula sa Region IV-B na binubuo ng mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.
Nasa ikalawang pwesto naman ang Cordillera Administrative Region, Davao Region, Zamboanga Peninsula at Soccsksargen.