HINIMOK ni Anakalusugan Partylist Rep. Ray Reyes ang Department of Health (DOH) na siguruhing mayroong nakahandang suplay ng gamot na panlaban sa leptospirosis sa mga evacuation center lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.
“Prevention is better than cure and we hope that we can protect our kababayans from leptospirosis before it reaches an irreversible stage,” mariing pahayag ng pro-health advocate lawmaker.
Ginawa Reyes ang panawagan kasunod ng kanyang pagkabahala sa naitala ng Health department na 1,582 cases ng leptospirosis mula Enero 1 hanggang Hunyo 3 ng kasalukuyang taon.
Ito’y sa dahilang ang nasabing bilang ay mas mataas ng 72% o halos maging doble sa 920 na mga kaso lamang na nai-rekord sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Subalit ang mas ikinalarma ng kongresista ay ang kaakibat ng naturang datos na 161 indibidwal ang tuluyang binawian dahil sa kinatatakutang karamdaman, kumpara sa 135 casualties noong taong 2022.
Giit ni Reyes, sa pagkakaroon ng baha sa maraming lugar dala ng pagpasok sa bansa ng dalawang magkasunod na bagyongvsinabayan ng monsoon rains, posibleng marami pa ang tatamaan ng nakamamatay ng leptospirosis kaya dapat lamang na mapagtuunan ito ng ibayong pansin ng pamahalaan.