DISKUMPYADO ang mga militanteng kongresista sa Kamara sa ginawang paggastos ng mahigit P3-milyon para sa isang logo na wari nila’y hindi pinag-isipan at halaw lang sa simbolo ng isang kumpanya ng gasolinahan.
Giit ng Makabayan bloc, isang malalimang imbestigasyon sa kontratang nilagdaan ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).
Sa resolusyon inihain ng minorya sa Kamara, target silipin ang prosesong isinagawa ng Pagcor sa paggagawad ng P3-milyong halaga ng kontrata sa PrintPlus Graphic Services, isang kumpanyang nairehistro lang sa Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) noong Hunyo 14, 2023.
“It is imperative for Congress to ensure that public funds are used efficiently and effectively, and that government agencies are held accountable for their actions,” sabi sa resolusyon kung saan hinihiling na imbestigashan ito ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Batay sa Notice of Award, ang contract price ng bagong logo ay P3.036 milyon.