
SA kabila ng pagpapalit ng liderato, patuloy ang malawakang korapsyon sa Bureau of Immigration (BI), ayon kay Board of Special Inquiry Chief Atty. Gilbert Repizo, kasabay ng bentahan ng visa extension.
Partikular na kinalampag ni Repizo si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado sa modus nagbibigay-dungis sa mga nalalabing matinong empleyado sa naturang kawanihan ng gobyerno.
Paglilinaw ni Repizo, hindi paninira ang pakay sa pagsisiwalat. Dapat lang aniyang ang isang agarang pagwawasto.
Noong Mayo 15, nag-endorso umano siya para tulungan ang isang lalaking hindi nakapag-extend ng visa dahil sa kasong matagal nang ibinasura ng husgado.
Sa halip na aksyunan, ibinalik umano ang visa kalakip ng “price menu” para sa visa extension. Nanghihingi umano ng P50,000 service fee ang Visa Extension Office.
“Mabilis only when I raised my voice and called the attention of some personalities that they finished it very fast, ‘they are happy to assist’. Tell that to the Marines!” ani Repizo.
Ang visa na mahigit anim na buwan o wala pang isang taon ay nagkakahalaga ng P15,000 ang service fee habang pumapalo naman sa P70,000 ang 15 hanggang 19 na taon.
“The issue of overstaying is already a legal issue that must be resolved by the Legal Division. It cannot be determined by the parameters of your price menu.”