BANTAY-sarado sa Department of Education (DepEd) ang 16 na pampublikong paaralan sa paniwalang pinamumugaran ng mga komunista target mangilak ng mga bagong kapanalig sa armadong pakikibaka.
Partikular na tinukoy ni Undersecretary Michael Poa sa gitna ng budget deliberation sa Kamara ang mga paaralan sa Metro Manila kung saan aniya aktibong kumikilos ang New People’s Army (NPA).
Gayunpaman, tumanggi si Poa na tukuyin ang mga pampublikong paaralan.
Para kay Poa, mandato ng kagawaran tiyakin ang kapakanan ng mga mag-aaral laban sa panlilinlang ng mga komunista – bagay na aniya’y matutugunan gamit ang P150-milyong confidential funds.
“The threats nowadays, whether it be recruitment or drug-related activities, [are] quite alarming in our schools,” paliwanag ng tagapagsalita ng departamento.
“That’s why we requested for the confidential funds so that we can help in prevention and, of course, in coordination with law enforcement agencies, when it comes to the response to such things.”
“In fact, we have information that 16 public high schools just within Metro Manila are involved in [NPA] recruitment activities,” aniya pa,
Nang hingan ng detalye ng mga kongresista hinggil sa ibinunyag ng impormasyon, sinabi Poa na target ng mga komunista hinakatin ang pagsapi ng mga mag-aaral na edad 12 hanggang 17.
Bukod sa panghihikayat na sumali sa maka-kaliwang kilusan, isa rin aniya sa kailangan tugunan ng kagawaran ang banta ng droga.
Katunayan aniya, mahigit sa 5,000 estudyante ang napag-alamang sangkot sa paggamit at pagbebenta ng droga batay sa datos na nakalap sa nakalipas ng 12 buwan.
Sa naturang bilang, 871 menor de edad ang nasagip.
“As the Vice President has always said, we defer to the wisdom of Congress when it comes to the [approval of] our confidential funds. The reason why we made the request is, of course, [in line] with our mandate of providing accessible and quality basic education.”