PARA sa mas malawak na kaalaman at kakayahan, higit na angkop sa mga kawani ng gobyerno sunggaban ang libreng career development short courses na alok ng Civil Service Commission (CSC).
Para kay CSC chairperson Karlo Nograles, malaking bentahe sa mga kawani at sa mga tanggapan ng pamahalaan ang mas mataas na antas ng kaalaman at kapasidad tugunan ang hamon sa larangan ng serbisyo publiko.
Panawagan ni Nograles sa mga government personnel, mag-enrol sa online learning and development (L&D) programs na kaloob ng CSC.
“As civil servants, it is essential that we continuously update our knowledge and skills to keep pace with new advancements. The CSC, through the Civil Service Institute (CSI), offers various courses on human resource (HR) and organizational development (OD) aimed to help us become effective public servants who are the foundation of a strong bureaucracy,” pahayag ni Nograles.
Sa pakikipagtulungan sa Bangko Sentral ng Pilipinas at BDO Foundation, ang CSI ay magbabahagi aniya ng Financial Education course para sa government officials at employees sa Hunyo 13 at 14, 2024.
Ang 10-hour seminar, dagdag pa ng CSC chief, ay magbibigay-kaalaman sa paggamit ng iba’t-ibang “tools, tips, at techniques sa financial decision-making” para maabot ang financial health at freedom.
Magkakaroon din ng Competency-Based Human Resource Management System (CBHRMS) training program para naman sa hanay ng HR management officers mula Hunyo 5 hanggang Hunyo 11, 2024.
Target ng naturang programa talakayin ang “principles, processes, at best practices” para sa epektibong pagpapaunlad ng CBHRMS, sa layuning pagtatatag ng mahusay na workforce competencies.
Nakatakda rin isagawa sa ika-14 na araw ng Hunyo ang Artificial Intelligence (AI) in the Workplace course kung saan ang bawat opisyal ng mga ahensya ng pamahalaan, kasama ang ibang HR management officials at employees ay mabibigyan ng kaalaman sa cutting-edge AI applications, kalakip ang potensyal, benepisyo, hamon at mga estratehiya para sa epektibong paggamit ng AI sa trabaho.
Ani Nograles, pwede rin umano mag-enroll sa two-day Levels of Learning Evaluation program ang mga HR practitioners sa mga government agencies mula Hunyo 18 hanggang 20 ng kasalukuyang taon.
Sa kursong ito, lubos na mauunawaan ng L&D practitioners ang learning needs at draft learning evaluation processes, kasama na ang tools base sa ginawang assessment.
Samantala, ang mga executives, leader, manager, division chiefs, at supervisors o katumbas na posisyon ay pwedeng mag-enroll sa Emotional Intelligence and Leadership course na idaraos Hunyo 18 hanggang 19 para hulmahin ang personalidad bilang lider at tukuyin ang mga pamamaraan para palakasin emotional intelligence sa pamamagitan ng pagbibigay ng konkretong Emotional Intelligence Self-Development Action Plan sa mga kalahok.
Mayroong din one-day CSI Leadership Series forum sa sa Hunyo 21, 2024 kung saan ang public sector executives, managers, directors, at chiefs ay tuturuan sa epektibong management at leadership practices na angkop sa makabagong panahon mula sa na kinikilala lider at dalubhasa sa pangangasiwa at pamumuno.
Inaanyayahan din ng CSI ang lahat ng civil servants na matuto sa kanilang sariling oras sa inaalok na self-paced courses ngayon buwan ng Hunyo. Inaasahan naman ang pag-arangkada ng self-paced Leadership sa Digital Era course mula Hunyo 26 hanggang Agosto 26.
Maging ang digital leadership sa pagpasok sa new normal tungo sa strategic leadership at organizational transformation, bahagi rin ng paksang tatalakayin.
“All these courses are offered online through the CSC-Learning Management System (CSC-LMS), providing convenience and accessibility for all. We are looking forward to having government employees join us in the development interventions and opportunities that the CSI has prepared,” dagdag ni Nograles.
Nakatakda rin aniyang gawaran ng certificate of completion with leadership and managerial training hours ang lahat ng participants na matagumpay na magtatapos ng online course at matugunan ang inilatag na requirements.
Para sa mas detalyadong impormasyon hinggil sa mga kurso at registration procedure, ang mga interesadong indibidwal ay maaaring bisitahin ang CSC-LMS sa https://elearning.csc.gov.ph/.
