BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Guro (World Teachers’ Day), hiniling ng isang partylist representative sa pamunuan ng Kamara ang agarang pag-apruba sa House Bill 3113 (Magna Carta for Private School Teachers) sa hangaring isulong ang kapakanan ng mga giro sa mga pribadong paaralan.
Giit ni Solid North partylist Rep. Ching Bernos dapat mapigilan ang mabilis na paglisan ng mga guro sa iba’t-ibang pribadong paaralan para makapagtrabaho sa ibang bansa kung saan mas malaki ang kita.
“The sad reality in our country is that being a private school teacher amounts to heroic sacrifice, not only of financial security, but also career advancement, especially for our private school teachers who lack the protection and advantages that their public school counterparts have,” ayon sa Solid North partylist solon.
Sa ilalim ng akdang Magna Carta, target ni Bernos tugunan ang inaasam ng private school teachers na mapabuti ang kanilang katayuan at magkaroon ng patas na pagtrato ng lipunan.
“The proposal (HB 3113) is an urgent intervention given the need for fundamental standards regarding private teacher employment and working conditions such as criteria in the setting of salaries; monetary benefits and leave benefits; their right to self-organization; and other penalties for violation of any rights of private school teachers,” ani Bernos.
Kabilang sa mahalagang probisyon sa ilalim ng akdang panukala ang pagtatakda ng working hours para sa private school teachers, na hanggang anim na oras lamang kada araw.
Gayunpaman, nilinaw ng kongresista na maaari namang umabot ng hanggang walong oras ang actual classroom teaching per day pero may katumbas na additional compensation.
Nais din ni Bernos na magkaroon ng probationary period ng hanggang anim na buwan ang nasabing mga guro para sa pag-angat ng klasipikasyon bilang permanent teacher na may regular working status.
Panukala pa ng Solid North PL congresswoman na mabigyan ng hardship allowances ang mga gurong hirap sa pag biyahe papunta sa paaralan at nagsasagawa ng laboratory experiments, at iba pang hazardous activities.
Mayroon ding probisyon sa HB 3113 kung saan ang magiging basehan ng magiging sweldo ng private school teachers ang salary rate ng nasa pampublikong eskwelahan kung saan dapat ay magkaroon din sila ng wage increase kada taon.
Samantala, umaasa si Bernos na sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day ay magkaisa ang lahat “sa layunin na kilalanin at suportahan ang mga dakilang bayani na katuwang ng bawat pamilya sa pag siguro ng kinabukasan ng kabataan.”
