BIGO si dating National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Cielito Habito matapos tanggihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang bawasan ang taripa sa bigas.
“The idea of reducing or even cutting the tariffs on rice at this point was meant to support his rice [price] cap [implementation],” sabi ni Habito sa CNN Philippines Miyerkoles ng gabi.
Sinabi ng Pangulo na hindi ito ang tamaang panahon para ibaba ang taripa sa imported na bigas.
Naniniwala si Habito na ang magbuhos ng imported na bigas sa bana ay nangangahulugan ng pagbaba rin ng presyo ng lokal na bigas sa merkado. “Without that reduction in tariff, it may be more difficult to precisely enforce that price cap,” he added. “The tariff cut was meant to make it [rice price cap] unnecessary,” sabi ni Habito.
Sa ilalim ng Executive Order No. 39, na naging epektibo noong Setyembre 5, ang regular milled rice ay maaari lamang ibenta sa ₱41 kada kilo habang ang price cap sa well-milled rice ay ₱45 kada kilo.
Tanggap naman ng Samahang Industriya ng Agrikultura ang desisyon ng Pangulo na tanggihan ang pagbaba ng taripa.
Sinabi ng grupo na posibleng tanggalin na ang price cap sa Oktubre kapag naibaba na ang presyo ng bigas dahil malapit na ang anihan.