INIHAYAG ni Pangulong Ferdinanad Marcos Jr na isinapinal na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Maharlika Fund.
“The Implementing Rules and Regulations of the Maharlika Investment Fund have been finalized. Upon approval, we’ll swiftly establish the corporate structure, getting the MIF up and running,” sabi ni Marcos ngayong Lunes.
Sumaksi sina Senior Undersecretary Elaine T. Masukat at Undersecretary Rodolfo John Robert C. Palattao IV, kapwa ng Presidential Management Staff (PMS), kasama sina Undersecretary Leonardo Roy A. Cervantes ng Office of the Executive Secretary (OES).
Kasama rin sina Government Service Insurance System (GSIS) General Manager Jose Arnulfo Veloso sa pulong gayundin si Office of the Presidential Adviser for Investment and Economic Affairs Raphael DC Consing Jr.
Dumalo rin ang mga kinatawan ng Bureau of Treasury, Office of the Deputy Executive Secretary for General Administration (ODESGA) at Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs (ODESLA).
Bago umano umalis patungong Association of Southeast Asian Nations-Gulf Cooperation Council (ASEAN-GCC) Summit sa Riyadh, Saudi Arabia noong Oktubre, binigyang-diin na ng Pangulo ang pagpapatuloy ng MIF bago matapos ang taon.
“We are still committed to having it operational before the end of the year,” ayon pa kay Marcos sa kanyang departure speech noong nakaraang buwan bago umalis sa dalawang araw na ASEAN-GCC Summit sa Riyadh, Saudi Arabia.