
ILANG araw bago ang takdang petsa para sa ikalawang State of the Nation Address *SONA), humataw sa approval and trust rating si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., base sa resulta ng survey na pinangasiwaan ng RP-Mission Development Foundation Inc. (RPMD).
Sa RPMD non-commissioned survey na ginawa mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 5 ng kasalukuyang taon, nakapagtala si Marcos ng 82% approval rating.
Gayunpaman, naungusan ni Vice President Sara Duterte si Marcos matapos makasungkit ng 86% approval rating.
Samantala, nakakuha ng 69% si Senate President Juan Miguel Zubiri, habang 70% naman ang naitala ni House Speaker Martin Romualdez.
Sa hanay ng Gabinete ni Marcos, pinakamataas ang gradong nasungkit ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na mayroong 88% approval at 93% trust rating.