PATULOY na igigiit ng Pilipinas ang karapatan sa West Philippine Sea, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos balaan ng China na huwag gumawa ng gulo sa pinag-aagawang teritoryo.
Sinabi ni Marcos, sa kanyang talumpati, na gagawin ng gobyerno ang responsible at kagalang-galang na aksiyon sa pagresolba ng isyu ayon sa international law.
Ang pahayag ni Marcos ay kasunod ng sinabi ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na ang dalawang bansa ay nahaharap sa matinding hindi pagkakaunawaan.
Iginiit ni Wang na kailangang mag-ingat ang Pilipinas sa ginawa gayundin sa pakikipagsabwatan sa labas na puwersa.
Umigting ang tension sa pagitan ng China at Pilipinas nang magkabangga at maghabulan sa South China Sea ang kani-kanilang barko sa nakalipas na buwan.
Nagprotesta ang Pilipinas sa tinawag na harassment ng China ngunti iginiit naman ng China na wala silang nilalabag na batas.
Sakay si Armed Forces of the Philippines chief Romeo Brawner Jr ng barko ng Pilipinas nang bombahin ng tubig ng Chinese coastguard vessel.