ISA sa tatlo katao ang nagsasabing higit na masagana ang selebrasyon ng Kapaskuhan, ayon sa huling survey na ginawa ng Pulse Asia.
Sa inilabas na survey noong Disyembre 3, sinabi na 30 porsiyento ng tinanong ay umaasa na higit na masagana ang kanilang selebrasyon kumpara noong nakaraang taon.
Mas mababa ito ng 13 puntos mula sa 43 porsiyento na umasa na higit na masagana ang selebrasyon kumpara noong nakaraang taon.
Samantala, tumaas naman mula anim na porsiyento sa 13 porsiyento ang nagsabing mas mahirap sila ngayon kesa noong nakaraang taon.
Higit naman sa kalahati o 57 porsiyento ang nagsabi na pareho lamang ang selebrasyon nila ngayon at noong nakaraang taon. Kinabibilangan ito ng 41 porsiyento na nagsabing ang selebrasyon nila noong nakaraang taon ay masagana at 16 porsiyento naman ang nagsabing hindi.