SA hangaring palakasin ang kakayahan ng bansa laban sa mga banta ng mga dayuhan, ganap nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 12024 (Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act) na naglalayong matiyak ang na may sapat na sandata ang Pilipinas laban sa mananakop.
Partikular na tampok sa ilalim ng bagong batas ang sapat na defense assets at hardware sa paraan ng pagkakaroon ng domestic production at manufacturing, gayundin ang pagtatatag ng national defense industry.
Sa ilalim ng RA 12024, pagtutuunan ng pamahalaan ang mga kumpanyang Pinoy sa larangan ng military technology, mga armas at mga bala, at iba pang military equipment at gamit para sa seguridad ng bansa.
Sa pamamagitan aniya ng bagong batas, hindi na kailangan pang gumastos ng malaki at umasa ang PIlipinas sa ibang bansa.
“We start by strengthening the foundation, the research, the production capability and institutional support, then build upwards layer by layer until we have an industry that can stand strong and succeed on its own,” anang Pangulo.
