![](https://saksipinas.com/wp-content/uploads/2023/07/images-6.jpeg)
SA layuning isulong ang kalusugan at kaligtasan kontra kanser ng mga mamamayan, nanawagan ang isang kongresista sa pamahalaan — mas maraming specialty centers sa mga lalawigan.
Para kay Anakalusugan Partylist Rep. Ray T. Reyes, nakakabahala amg resulta ngnisang pag-aaral kung saan sinasabing pinakamababa ang bilang ng mga kababaihang sumasailalim sa pagsusuri kontra breast at cervical cancer.
“Marami sa ating mga kababayan sa probinsya ang walang access sa specialized medical services sa mga sakit na gaya ng cancer,” ani Reyes.
“We need to make these accessible to people in the provinces and unburden them from the unnecessary travel and other expenses in order for them to avail of these much needed services,” dagdag pa ng kongresista.
Partikular na tinukoy ni Reyes ang pag-aaral na pinangasiwaan ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) kung saan lumalabas na 1% lang ng 54 milyong kababaihan ang sumailalim sa cancer screening.
“Naungusan na tayo ng mga kapitbahay natin sa ASEAN gaya ng Cambodia at Myanmar na may mas mataas na cancer screening rate. Ang nakakalungkot pa, sa Malaysia at Thailand, umabot na sa 20 percent ang kanilang screening rate,” litanya ng mambabatas.
Giit ni Reyes, higit na kailangan tugunan ng pamahalaan ang aniya’y “low cancer screening rate” lalo pa’t kadalasang nasa terminal stage na ang kanser bago pa malaman ng isang babaeng walang kaalam-alam na siya pala’y tinamaan na ng nakamamatay na karamdaman.
Panawagan ni Reyes sa mga kapwa kongresista, pagtibayin ang kanyang inihaing House Bill 3134 (Regional Specialty Hospitals Act) na maybibigay ng angkop na atensyon at agarang lunas sa mga babaeng may kanser.
Sa ilalim ng nasabing panukala, target makapagtaguyod ng mga specialty hospitals — kabilang ang Philippine Cancer Center, Philippine Children’s Medical Center, Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines at National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa mas maraming lalawigan.
“Ang pagbibigay ng libreng diagnostic test ay malaking tulong para maiwasan ang paglala ng mga sakit gaya ng cancer,” diin pa ni Reyes.
“We should bring these specialty centers closer to our people and reassure our kababayans that wherever you are in the Philippines, you can have access to affordable, specialized care,” pagtatapos niya.