
MULING nabuhayan ng pag-asa ang pamilya ng pinaslang na brodkaster makaraan magpasya ang Korte Suprema na ipaarestong muli si dating Palawan Gov. Joel Reyes kaugnay ng pagpatay kay Dr. Gerry Ortega 12 taon na ang nakalipas.
Sa isang resolusyon, hayagang sinabi ng Korte Suprema na nabigo ang kampo ni na patunayan ang paratang ng pang-aabuso ng Puerto Princesa City Regional Trial Court na nag-atas na ituloy ang pagdinig sa kinakaharap na kasong pamamaslang sa komentarista.
“Petitioner’s disagreement with the conclusions reached by the trial court, without more, is not sufficient to warrant the issuance of the extraordinary writ of certiorari,” saad sa isang bahagi ng kalatas ng Korte Suprema.
“Such writ will issue only to correct errors of jurisdiction, not errors in the findings or conclusions of the lower court,” dagdag pa.
Taong 2018 nang ibasura ng Court of Appeals ang kaso laban kay Reyes. Gayunpaman, binawi rin ng apelado ang desisyon ng sumunod na taon, kasabay ng paglalabas ng warrant of arrest sa dating gobernador ng Palawan.
Taong 2017 naman nang hatulan si Reyes kaugnay ng kasong katiwalian.
Ayon pa sa Korte Suprema, may sapat na dahilan at matibay na ebidensyang nagdidiin kay Reyes bilang utak sa likod ng Ortega slay.
“This particular stage of the criminal proceeding against petitioner requires neither absolute nor moral certainty; opinion and reasonable belief is already sufficient.”
Inatasan rin ng Korte Suprema ang Puerto Princesa Regional Trial Court Branch 52 na maglabas rin ng warrant of arrest para sa agarang ikadarakip at paglilitis sa kaso laban sa dating gobernador.
Higit na kilala si Ortega sa Palawan bilang isang kritiko ng pamahalaang panlalawigan na noo’y pinamumunuan ni Reyes.
“Our family is thankful that the Supreme Court sided with truth and justice. We have long hoped and prayed for the trial to continue. This fair decision restores our faith that, one day, we will find justice,” pahayag ng pamilya Ortega.
Pinaslang si Ortega ng isang salarin sa Barangay San Pedro ilang saglit matapos ang kanyang programa sa radyo.