
HANDA na ang Commission on Elections (Comelec) simulan ang pagpapalimbag ng mga balota para sa nalalapit na 2025 midterm elections, ayon kay Comelec chairman George Garcia kasabay ng garantiyang nawalis na ng ahensya ang mga “panggulong” kandidato.
Katunayan aniya, naresolba na ng Comelec ang lahat ng kaso ng nuisance candidates sa national at local level. Ang kabuuang bilang ng mga tinanggal sa talaan ng mga kandidato –114 aspirante.
Para sa Comelec chief, ang maagap na pagresolba ng poll body sa mga petisyon ang magbibigay-daan sa kauna-unahang pagkakataon na hindi na makakasama sa printing ng balota ang mga nuisance candidate.
Nakatakda nang simulan ng printing ng balota para sa May 2025 elections sa Enero 6, 2025.
“Our projection is the printing will run for 77 days, which means there must be, more or less, one million ballots printed per day,” ani Garcia.