
SA halip na ibayad sa mga katuwang ng pribadong pagamutan, pinatulog sa bangko hg Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pondong pambayad sana sa utang ng gobyerno sa serbisyong pangkalusugan sa ibinigay sa mga miyembro ng naturang ahensya.
Sa unang araw ng paglilibot ng Department of Health (DOH) sa mga ospital, partikular na pinuna ni Sec. Ted Herbosa ang aniya’y maling sistema sa PhilHealth.
“As chair of the PhilHealth board, we’re really trying to fix this problem. The system is broken,” wika ni Herbosa sa pagdalaw sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.
Anang DOH chief, nasa P800 milyon ang utang ng PhilHealth sa mga pribadong ospital.
“Eh di ba ang ginagawa ng Philhealth hindi naman binabayad sa utang sa inyo, nilalagay nila sa bangko. Tama ba yun? Di ba mali yun? Zinero nila, eh ang dami nang pera niyo sa bangko eh. Bayaran niyo muna utang niyo sa St. Luke’s,” dugtong ng Kalihim.
“P800 million na utang sa inyo? That’s a lot of money. That’s almost a billion pesos and you’re the private sector you don’t get subsidies unlike our government hospitals they get subsidies,” dagdag ni Herbosa na tumatayong chairman ng Board of Directors ng PhilHealth.
Para kay Herbosa, napapanahon nang isaayos ang problema sa sistema ng PhilHealth lalo pa’t hindi naman aniya gobyerno ang may-ari ng podo – “it belongs to the Filipino people”.