
DAPAT alam ng pamahalaan kung ilan sa mga overseas Filipino workers (OFW) ang nakakulong sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa isang panayam, partikular na kinalampag ni Senate President Francis Escudero ang Department of Foreign Affairs (DFA) para alamin sa tulong ng mga embahada at konsulado ng Pilipinas ang bilang ng mga OFWs na nahaharap sa usaping legal abroad.
Para kay Escudero, isang “wake-up call” ang pagbabalik ni Mary Jane Veloso mula sa bansang Indonesia kung saan siya nahatulan ng parusang kamatayan sa kasong kasong drug trafficking.
Kumbinsido ang lider ng senado na hindi lang si Veloso ang Pinoy na dumaranas ng hirap sa likod ng rehas.
Nagdusa si Veloso ng mahigit 14 taon pagkakakulong sa Indonesian prison sa kasong droga at kanyang pagbabalik sa bansa na kauna-unahan sa maraming Pilipinong may katulad na sinapit sa ibang bahagi ng mundo.
Taong 2010 nang hatulan ng parusang kamataqyan si Veloso, Gayunpaman, pinagbigyan ng pamahalaan ng Indonesia ang personal na pakiusap ng yumaong Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino na huwag bitayin ang sentensyadong Pinay.
“This proves that President Bongbong Marcos and his government truly care for Filipinos who are in foreign lands and away from their families,” ayon kay Escudero.
Sa lahat ng pagkakataon, sinabi ni Escudero na dapat madama ng mga Pilipinong nagigipit sa ibang bansa ang proteksyon ng gobyerno sa naturang sektor.
“The DFA, through its foreign missions, should also work alongside the Department of Migrant Workers (DMW) especially when they are alerted about cases of Filipinos facing legal troubles overseas,” dugtong ng senador.
Aniya, bahagi ng tulong ng gobyerno ang pagsusuri sa pamilya ng apektadong Pilipino kung paano sila makadadalaw sa mahal sa buhay na nakakulong sa abroad.
“Moreover, the government should explore and push for treaties with more countries that would allow Filipinos convicted in foreign courts to serve their sentences in the Philippines so that they can be closer to their loved ones.”
“They should find out the nature of the cases against them. What has been or can be done to help them regain their liberty… and assist them to make their detention more bearable,” pahabol ng senate president. (Estong Reyes)