
APAT na buwan bago ang takdang araw ng halalan, tuluyan nang umarangkada sina ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo at former Senate President Tito Sotto, batay sa pinakahuling resulta ng survey.
Sa datos ng Pulse Asia, tabla sa unang pwesto sina Tulfo at Sotto.
Hindi kalayuan sa dalawang pambato ng administrasyon sa 2025 senatorial derby si Senador Bong Go na nasa ikalawang pwesto. Kasunod naman ni Go si Ben Tulfo na kapatid nina Senador Raffy at Congressman Erwin.
Kapuna-puna ang pag-arangkada ni Go (ng Partido Demokratikong Pilipino) sa hanay ng mga reelectionist.
Pasok din sa Magic 12 sina Senadora Pia Cayetano, Manny Pacquiao, Ping Lacson, Willie Revillame, Bong Revilla, Abby Binay, Lito Lapid at Imee Marcos.