MARIING pinabulaanan ni Justice Secretary Fredderick Vida na bagyo ang dating sa National Bureau of Investigation (NBI) ng gambling tycoon na si Atong Ang.
Sa isang panayam, nilinaw ng Kalihim na wala rin katotohanan ang kumakalat na impormasyon na sadyang hindi isinali sa manhunt operation kay Ang ang NBI kung saan sinasabing may matibay na koneksyon ang puganteng negosyante.
“I definitely deny that there’s such instructions even from the Secretary of Justice not in any of my discussions with NBI Director Lito Magno,” wika ni Vida.
Katunayan aniya, lahat ng law enforcement agencies kasama sa inatasan ng korte na tugisin si Ang.
“Malalim na yung iba’t bang pagkilos ng iba’t-ibang ahensyang tumutugis para maiharap siya sa korte,” dagdag pa ng DOJ chief.
Noong Enero 13, naglabas ang Santa Cruz, Laguna Regional Trial Court Branch 26 ng warrant of arrest laban kay Ang kaugnay sa kasong may koneksyon sa “missing sabungeros.” (JULIET PACOT)
