
ILEGAL kung ilarawan ng isang dating Kalihim ng Department of Agriculture (DA) ang isinusulong ng National Food Authority (NFA) na pag-angkat ng 330,000 metriko toneladang bigas.
Ayon kay former Agriculture Secretary Leonardo Montemayor, taliwas sa nakatalang probisyon ng Republic Act 11203 (Rice Tariffication Law) ang pagbili ng bigas mula sa ibang bansa para takpan ang inaasahang kakulangan ng supply pagsapit ng buwan ng Hulyo.
Nakasaad aniya sa RA 11203 na sa sandaling kapusin ang nakaimbak na bigas ng NFA, pwede lamang humugot ng pantakip sa kakulangan ang naturang ahensya mula sa hanay ng mga lokal na magsasaka.
“Under the Rice Tariffication Law, the NFA can only source its buffer stock from local farmers,” pahayag ni Montemayor.
“Why go against the law and patronize foreign rice producers instead of domestic ones?” ani Montemayor bilang ugon sa giit ng NFA na umangkat ng 33,000 metriko toneladang bigas mula sa ibang bansa para punan ang kakulangan sa nakaimbak na supply ng nasabing ahensya.
“The RTL clearly restricts its mandate to maintaining buffer stocks sourced from local farmers,” diin pa ng dating Kalihim.
Araw ng Huwebes (Abril 13) nang makipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyales ng DA at NFA para talakayin ang usapin sa supply ng bigas sa bansa.
Sa datos na isinumite sa Pangulo, lumalabas na sapat lang para sa siyam na araw na ‘national consumption’ ang 330,000 metriko toneladang nais bilhin ng NHA mula sa ibang bansa.
Kinastigo rin ng grupong Bantay Bigas ang NFA bunsod ng anila’y kabiguan ng naturang ahensya na gampanan ang nag-iisang mandato – ang tiyakin sapat ang supply ng bigas batay sa pangangailangan ng mga Pilipino.
“It is ironic that the sole mandate of NFA is buffer stocking, which should come from local production, but fails to deliver it,” ani Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo, kasabay ng panawagang pagbibitiw ni Marcos bilang Kalihim ng DA.
“The DA needs a secretary working 24/7 a day to address the crisis on food. We hope that the new secretary should have a heart for farmers and poor consumers and be ready to hear their concerns.”
Batay sa datos ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SIA), umabot na sa halos 750,000 metriko toneladang bigas ang inangkat sa ibang bansa mula Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon.
“There is no need to import. Our stocks, without importation, are good until August. Private importation has not been stopped so our buffer stocks will further increase,” sambit naman ni SIA executive director Jason Cainglet.
“For buffer stocking or emergency purposes, they can ask for additional funds. The DA always resorts to importation as a solution that will only help foreign traders and importers,” dagdag pa ni Cainglet.
Ayon naman kay former agrarian reform secretary Rafael Mariano na kumakatawan ngayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, trabaho ng NFA na i-prayoridad ang mga magsasakang Pilipino.
“The first order for the DA and the NFA should be to help farmers increase their productivity to achieve the targeted rice production and augment the rice buffer stock. The NFA’s pushing for rice importation is a great disservice to farmers and Filipinos.”